Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mag-asawa pisak sa truck

Rhoderick BeƱez

NORTH COTABATO, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa mag-asawang lulan ng motorsiklo matapos mahagip ng 10-wheeler truck sa kahabaan ng national highway sa Barangay Malasila, bayan ng Makilala, North Cotabato kamakalawa ng gabi.

Naisugod pa sa ospital subalit idineklarang patay ang mag-asawang Danilo Gomez Pequit, 37; at Lilibeth Pequit na kapwa nakatira sa Barangay Saguing sa nasabing bayan.

Sa ulat ng Makilala PNP Traffic Division, magkaangkas sa motorsiklo ang mag-asawa nang mahagip ng rumaragasang 10-wheeler truck na may kargang softdrinks.

Nabatid na patungong Cotabato City ang truck na minamaneho ni Darwin Sungajib, 28, ng Digos City nang mawalan ng preno.

Sinubukang iwasan ni Sungajib ang nagmomotorsiklong mag-asawa subalit nahagip din matapos tumagilid ang truck.

Nasa kostudiya na ng pulisya ang driver ng truck habang nag-alok naman ng tulong pinansyal sa pamilya ng mga biktima ang may-ari ng truck na si Rodrigo Bacay.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento