Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 mga karnapers, tiklo ng mga otoridad sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, Cotabato/ September 25, 2014) ---Kulungan ang bagsak ng dalawang mga carnappers makaraang masakote ang mga ito sa isinagawang hot pursuit operasyon ng mga otoridad sa bahagi ng brgy. Kilagasan, Kabacan, Cotabato alas kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang mga naaresto na sina Mongkoy Guialil Pigcualan, 19-anyos, residente ng Aleosan, Cotabato at ang isa pang kasama nito na nakilalang si Bayan Mantawil, 19-anyos, residente ng Pedtad, Kabacan.

Batay sa inisyal na ulat, alas 9:00 ng umaga kahapon ng tinutukan ng baril ang dalawang suspek sa bahagi ng Bonifacio St., ang isang Roderick Castillo Orbillo, 35-anyos, negosyante at residente ng nasabing lugar at pwersahang kinuha ang kanyang kuay pulang Honda Beat na may license plate 9412 QN.

Agad namang tumakas ang mga suspek sa direksiyong papuntang Kilagasan.

Dahil dito, agad na naglatag ng dragnet at hot pursuit operation ang pinagsanib na elemento ng Kabacan PNP, RPSB 12, sundalo at mga BPAT dahilan para maaresto ang dalawang mga suspek at pagkakarekober ng nasabing sasakyan.

Sa ngayon, himas rehas ang dalawa sa Kabacan PNP lock up cell habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa mga ito. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento