Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Motorsiklo ng habal-habal drayber tinangay ng mga carnaper sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ August 15, 2014) ---Tinangay ng isa sa mga pasahero ang motorsiklo ng isang habal-habal drayber sa nangyaring carnapping sa bahagi ng Brgy. Taculen, Matalam, North Cotabato alas 5:00 kahapon.

Sa report ni SP01 Froilan Gravidez ng Matalam PNP kinilala nito ang biktima na si Elvin Curimao, 39-anyos residente ng Purok 3, Brgy. Kilada, bayan ng Matalam.

Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga kapulisan na lulan ng biktima ang dalawang mga pasahero at binabaybay ang provincial road  papunta ng Brgy. Taculen buhat sa National Highway ng brgy. Kilada at pagdating sa tulay ng Taculen, isa sa mga pasahero ang nagsabing ihinto nito ang pagmamaneho.

At agad na pinaputukan ang drayber pero pumalya ang dalang baril nito.

Tinangay ng mga salarin ang motorsiklo nito at iniwan ang drayber na hindi naman nasaktan. 

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang hot pursuit operation kontra sa mga suspek upang mahuli at mapanagot sa batas. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento