Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

1st HPG Funshoot, isasagawa ngayong araw

(Kabacan, North cotabato/ August 15, 2014) ---Gagawin ngayong araw ang 1st Herlo P. Guzman Fun Shoot sa PCC Shooting Range na nasa USM Compound, Kabacan, Cotabato.

Sa panayam kay MENRO Officer Jerry Laoagan bukas ang naturang aktibidad sa mga non-shooters kungsaan kanilang iniimbitahan ang lahat ng mga bgry. Opisyal kasama na dito ang mga tanod na sumali sa kauna-unahang fun shoot na ito.

Mag-uuwi naman ng tropeo ang sinumang tatanghaling panalo sa nasabing paligsahan at medalya.

Bagama’t nahuli ang nasabing aktibidad at di naisali sa mga naimprinta sa programa, agad naman itong inaprubahan ni Mayor Herlo Guzman Jr., at suportado nito ang nasabing aktibidad.


Sinabi ni Laoagan na nahahati sa dalawang kategorya ang nasabing paligsahan, ito ang classic at standard category. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento