Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bahay ng bumbero sa Arakan, North Cotabato nilooban; libu-libung halaga ng pera at mga alahas, nalimas!

(Arakan, North Cotabato/ August 14, 2014) ---Abot sa humugit kumulang sa P80,000.00 ang nalimas ng mga suspek makaraang pasukin ng mga ito ang bahay ng isang kasapi ng Bureau of Fire ng Arakan sa Poblacion, Arakan, Cotabato alas 5:30 ng madaling araw kahapon.

Sa report na ipinadala sa DXVL News ni PSI Rolly Oranza, hepe ng Arakan PNP kinilala ang biktima na si FO1 Isagani Mendoza, nasa tamang edad at residente ng nabanggit na lugar.

Pwersahang pinasok ng di pa nakilalang suspek ang bahay ng bumbero sa pamamagitan ng pagsira ng mga bintana nito.

Nalimas nito ang alahas, 2 unit ng cellphone, P15,000.00 cash kungsaan nagkakahalaga ng abot sa humugit kumulang walumpung libung piso.


Patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng Arakan PNP para matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek at upang marekober ang mga ninakaw na items. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento