Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Magsasaka ng saging, pinatay ng nakaalitan nito sa Antipas, North Cotabato

(Antipas, North Cotabato/ July 9, 2014) ---Siyam na tama ng bala ang tumapos sa buhay ng isang 40-anyos na magsasaka makaraang pagbabarilin ng suspek na nakaalitan nito sa nangyaring krimen sa Sitio Alenyon, Brgy. Malatab, Antipas, North Cotabato alas 10:00 ng umaga kahapon.

Kinilala ni PSI Felix Fornan, hepe ng Antipas PNP ang biktima na si Rogelio Golisao, 40, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat, naglalakad ang biktima kasama ang misis nito para iluwas sana sa National Highway ang kanilang inaning saging pero pagdating nila sa bahagi ng gomahan na pag-mamay ari ni Bualan Lumbat ay biglang tumambad sa kanila ang tatlong mga suspek.

Kinilala ang suspek na bumaril na si Meyo Bayog habang di naman nakilala ang dalawa pa nitong kasama.

Bulagta ang biktima ng ratratin ng siyam na bala sa likurang bahagi nito gamit ang 12 gauge shotgun.

Matapos maisakatuparan ang masamang balikin at makitang patay na ang biktima, mabilis namang tumakas ang mga suspek sa di malamang direksiyon.

Personal grudge ang isa sa mga anggulong sinisilip ng mga otoridad.

Patuloy naman ang ginagawang hot pursuit operation ng Antipas PNP sa nasabing insidente. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento