Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Encounter: 2 BIFF rebels patay

(Maguindanao/ June 11, 2014) ---Napaslang ang dalawang miyembro ng rebeldeng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter habang apat naman ang nasakote matapos makasagupa ang tropa ng 45th Infantry Batallion sa liblib na bahagi ng  Barangay Libutan sa bayan ng Mamasapano, Maguindanao kahapon ng umaga.

Ayon sa tagapagsalita ng 6th Infantry Division ng Phil. Army na si Colonel Dickson Hermoso, nagsimula ang sagupaan bandang alas-5:50 ng umaga kung saan nagpapatuloy hanggang sa sinusulat ang balitang ito.


Sinabi sa DXVL News ni Hermoso na patuloy nilang itinataas ngayon ang alero samga lugar na madalas na sinasalakay ng mga break-away group.

Napag-alamang tatlo sa apat na rebeldeng nasakote ng militar ay pawang kababaihan kung saan nasamsam ang ilang malalakas na kalibre ng baril, mga bala, bomba at isang van na sinasabing kinarnap.

Nagpapatuloy naman ang clearing at pursuit  operation ng militar na pinangungunahan ni Col. Donald Hongitan ng 45th Infantry Battalion. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento