Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Suspek at biktima ng agaw motorsiklo sa Pikit, Cotabato; sugatan sa pamamaril

(Pikit, North Cotabato/ May 8, 2014) ---Sugatan ang 32-anyos na biktima ng agaw motorsiklo habang nabaril naman ng pulis ang isa sa mga suspek habang papatakas sa nangyaring agaw motorsiklo sa Notre Dame Drive, Poblacion, Pikit, Cotabato ala 1:30 kahapon.

Kinilala ni PInsp. Mautin Pangandigan, hepe ng Pikit PNP ang biktima na si Oliver Esic Yacap, 32-anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar.


Batay sa inisyal na pagsisiyasat, sakay ang biktima sa kanyang Honda Wave na motorsiklo buhat sa kanilang tahanan at papunta ng pamilihang bayan ng Pikit at pagdating sa nabanggit na lugar agad itong nilapitan ng riding tandem at pinagbabaril.

Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa kanyang braso.

Nang tangayin na sana ng suspek ang motorsiklo ni Yacap, pinagbabaril naman ito ng pulis na malapit sa pinangyarihan ng insedente dahilan para tumakas ng suspek.

Batay sa ulat, sugatan ang isa sa mga riding tandem assassin na tumakas sakay sa kanilang kulay itim na Honda XRM papunta sa bahagi ng Brgy. Gli-gli.

Agad namang isinugod ang biktimang si Yacap sa Cruzado Medical Hospital at inilipat naman ito kagabi sa Midsayap, Community Hospital para mabigyan ng karampatang lunas.

Patuloy pang inaalam kung anung uri ng baril ang ginamit sa biktima dahil walang narekober sa crime scene habang nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento