Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 Suspected Carnapper, timbog ng Libungan PNP!

(Libungan, North Cotabato/ May 5, 2014) ---Arestado ang dalawang mga carnapper ng tangkang tangayin ang isang XRM na motorsiklo sa Poblacion ng Libungan, Cotabato kamakalawa.

Kinilala ni PCI Bernard Tayong, hepe ng Libungan PNP ang dalawang mga suspek na sina Rahib shariff Usman, 30-anyos, may asawa  at Basher Cabunsuan na pawang mga residente ng Lumopog, Midsayap, North Cotabato.


Nahuli ang dalawa habang pinuputol  ang  engine wire ng isang XRM motorcycle at pinag-tangkaan pang tangayin ang nasabing sasakyan.

Ang motorsiklo ay pag-mamay-ari ng isang Alcoran na residente ng nasabing lugar na nakaparada sa harap ng Aria's residence.

Bukod dito, narekober pa ng mga pulisya mula sa dalawang suspek ang isang Taurus 9mm Pistol, walang  serial  number, na may 13  bala, at isang itim  na shoulder bag na may lamang  isang bala ng  calibre  .45, at 17 bala ng  9mm  pistol.

Sa ngayon  inihahanda na ang isasampang kaso sa dalawa at kasalukuyang nakapiit ngayon  sa  Libungan PNP Lock up cell. Rhoderick Beñez with report from Davie Jame Apostol Castillo, USM Devcom Intern


0 comments:

Mag-post ng isang Komento