Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bangkay, natagpuang palutang-lutang sa Kabacan river

(Kabacan, North Cotabato/ May 5, 2014) ---Isang bangkay ang natagpuang palutang-lutang sa Kabacan river partikular sa barangay Aringay, Kabacan, Cotabato alas 11:30 ng umaga kahapon.

Ayon sa report ng Kabacan PNP naagnas na ang bangkay ng marekober malapit sa detachment ng mga sundalo sa Aringay.


Hanggang ngayon ay di pa mabatid ang pagkakakilalanlan ng biktima.

Posibleng dalawa o tatlong araw na itong palutang-lutang sa ilog bago narekober dahil sa lumubo na ang katawan nito at di na malaman kung may tama ang biktima.

Ang bangkay ay isang lalaki.

Inaalam pa ngayon ng mga otoridad ang anggulong pinatay sa ibang lugar ang biktima bago tinapon sa ilog habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento