Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Security guard, patay sa shootout sa Cotabato City

(Cotabato City/ May 5, 2014) ---Dead on arrival sa pagamutan ang isang security guard makaraang barilin ng isa sa apat na suspek na sanay manloob sa kanyang binabantayang Pawnshop sa Sk Pendatun Avenue, Corner Bonifaci0 Street, Poblacion 6, Cotabato City alas 9:15 ng umaga noong Sabado.

Kinilala ng Police Station 1 ang biktima na si Rick Boy Umpacan, 36-anyos, may asawa at residente ng Balas, Kalanganan ng nasabing lungsod.


Ayon sa report nasa labas lamang ng P'Mark Pawnshop si Umpacan at bigla na lamang may humintong dalawang motorsiklo sakay ang apat na mga di kilalang armadong suspek na naka suot pa ng bonnet.


Lumapit sa kanya ang isa sa mga suspek at tinangkang agawin sa kanya ang kanyang 12 gauge shotgun pero nanlaban si Umpacan dahilan para barilin sya ng isa sa mga suspek.


Nagtamo ng tama ng bala si Umpacan sa kanyang dibdid pero nagawa pa nyang manlaban sa suspek at nabaril nya pa ito.


Sugatan na humarurot ang isa sa mga suspek matapos ang insedente.


Nabatid na wala namang natangay ang armadong grupo sa nasabing pawnshop habang patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring krimen. Krezel Dianne Sampani







0 comments:

Mag-post ng isang Komento