Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

(BREAKING NEWS) IED, sumabog malapit sa istasyon ng Radyo sa Midsayap, North Cotabato

(Midsayap, North Cotabato/ August 7, 2013) --- Isang malakas na pagsabog ang gumulantang sa bayan ng Midsayap, North Cotabato pasado alas 3:00 kaninang madaling araw.

Sa report ni Cotabato PNP provincial director S/Supt Danilo Peralta, sumabog ang hindi pa matiyak klase ng Improvised Explosive Device o IED sa harap mismo ng M-Lhuillier Pawnshop na nasa Sto Niño St., sa nabanggit na bayan.

CAFGU, patay sa pamamaril sa Matalam, North Cotabato; suspek boluntaryong sumuko

(Matalam, North Cotabato/ August 6, 2013) ---Patay ang isang kasapi ng CAFGU ng pagbabarilin sa National Highway, partikular sa Mlang-Matalam na ruta sa bayan ng Matalam, North Cotabato pasado alas 9:00 ng gabi noong linggo.

Kinilala ni PSI Elias Diosma Colonia ang biktima na si Benmar Osano, nasa tamang edad at residente ng Brgy. New Antique, Mlang.

2 Murder suspek, arestado sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ August 5, 2013) ---Arestado ang dalawang murder suspek matapos ang higit sa sampung taong pagtatago sa batas, makaraang mahuli ng mga otoridad sa bayan ng Matalam, North Cotabato kamakalawa.

Kinilala ni North Cotabato Criminal Investigation and Detection Team (CIDT) chief Inspector Elmer Guevarra ang mga suspek na sina Roni Espinosa, 41, at Romulo Mallorca, 61 kapwa residente ng nabanggit na bayan.

Ayon kay Guevarra, unang inaresto nila si Espinosa sa kanyang bahay sa Barangay Lampayan alas 8:00 ng gabi nitong Huwebes kungsaan mismong si Espino ang nagsabi sa CIDT sa kinaroroonan din ni Mallorca at ang hide out nito sa Barangay Kabulakan.

Dakong alas 3:00 ng hapon noong Biyernes ay tuluyang natiklo si Mallorca na nahaharap sa kasong murder sa Iloilo kungsaan binigyan ng parole noong 1980 sa panahon ni dating President Ferdinand Marcos.

Ang dalawa ay kapwa akusado sa pagpatay sa isang Angelo Suela noong October 11, 2003 sa probinsiya.

Inilabas ni Regional Trial Court Branch 23 Judge Rogelio Naresma ang warrant of arrest sa dalawa noong July 11, 2005.

Sinabi naman ng CIDT North Cotabato na ang dalawang naaresto ay i-tuturn-over sa korte ngayong araw para sa kanilang commitment order. (Rhoderick Beñez)




Cattle rustler, tiklo ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ August 5, 2013) ---Kalabuso at naghihimas ng malamig na rehas bakal ang isang cattle rustler makaraang mahuli ng mga otoridad sa Brgy. Aringay, Kabacan, Cotabato ala 1:30 kahapon ng hapon.

Kinilala ni PCInps. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang nahuli na si Rahid Dimago Andug, nasa tamang edad, binata at residente ng nabanggit na lugar.

USM, pumapangalawa sa top performing School sa katatapos na Licensure Examination for Agriculture

(Kabacan, North Cotabato/ August 5, 2013) ---Pumapangalawa ang University of Southern Mindanao sa top performing Schools sa buong bansa sa katatapos na Licensure Examination for Agriculture batay sa higit isang daang mga kumuha ng nasabing eksaminasyon.

Batay sa resulta na inilabas ng Professional Regulation Commission nakakuha ang USM ng 59.09% above national Passing rate.

(BREAKING NEWS) 6 Patay;30 sugatan sa pagsabog sa Cotabato city


(Cotabato City/ August 5, 2013) ---Sumampa na sa Anim katao ang iniulat na namatay habang marami ang sugatan sa nangyaring pagsabog sa Cotabato city alas 4:30 ngayong hapon lamang.

Batay sa impormasyong nakalap ng DXVL News mula kay Sam Sali, Reporter ng DXMS na nakabase sa Cotabato City isang Car Bomb sa harapan ng Jollibee ang sumabog na nasa Sinsuat Avenue.

Temporary stalls itatayo para sa mga apektado ng Midsayap Mega Market Project


(Midsayap, North Cotabato/ August 2, 2013) ---Planong magtayo ng lokal na pamahalaan ng Midsayap ng temporary stalls para sa mga maaapektuhan ng demolisyon at konstruksyon ng New Mega Market Project.

Isa ito sa mga pangunahing usapin na tinalakay kahapon sa pagpupulong ng Midsayap Municipal Development Council sa ABC Hall ng bayan.

Municipal ports hiniling na maitayo sa Pikit, North Cotabato

(Pikit, North Cotabato/ August 2, 2013) ---Isusumite ni Rep. Jesus Sacdalan ang mga dokumentong humihiling sa Department of Transportation and Communication o DOTC na makapagpatayo ng municipal ports sa Pikit, North Cotabato.

Ito ang tugon ng opisyal sa magkahiwalay na sulat- komunikasyon ng dalawang barangay sa bayan ng Pikit na nagnanais mapatayuan ng nasabing proyekto.

Libung halaga ng Marijuana, binunot ng Carmen PNP

(Kabacan, North Cotabato/ August 2, 2013) ---Tinatayang aabot sa P25,000 ang halaga ng Marijuana na binunot ng mga elemento ng Carmen PNP sa Sitio Baroyon, barangay Macabenban, Carmen, North Cotabato.

Nanguna sa nasabing operasyon si Supt. Franklin Anito, hepe ng Carmen PNP.

Bangkay ng Lalaki na sinalvage, natagpuan sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ August 2, 2013) ---Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa Sitio Bunawan, Malapag, Carmen, North cotabato alas 6:30 kahapon ng umaga.

Batay sa report ng Carmen PNP ang nasabing bangkay ay natagpuan ng mga residente malapit sa tulay na nasa gilid ng Sayre National Highway.

Pagsugpo ng kriminalidad sa bayan ng Kabacan, tinututukan din ng bagong Bise Alkalde ng bayan

(Kabacan, North Cotabato/ August 1, 2013) ---Iginiit ngayon ni Vice Mayor Myra Dulay Bade na tinututukan din nila sa Sanggunian ang pagsugpo ng kriminalidad sa bayan ng Kabacan katuwang si Mayor Herlo Guzman Jr.

Ito ang sinabi ng opisyal sa panayam sa kanya ng DXVL News Radyo ng Bayan matapos ang mga nangyayaring krimen sa bayan.

SB Kabacan, di pa nakasumite ng Annual Budget para sa 2014

(Kabacan, North Cotabato/ August 1, 2013) ---Pag-uusapan pa umano ang nilulutong pondo ng Pamahalaang Lokal ng bayan ng Kabacan makaraang di pa nakapagsumite ang Sangguniang Bayan ng kanilang annual budget sa probinsiya.

Ito ang sinabi kaninang umaga ni Vice Mayor Myra Dulay Bade sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Panukalang paglalagay ng CCTV sa mga malalaking establisiemento sa Kabacan, isinusulong ng SB

(Kabacan, North Cotabato/ August 1, 2013) ---Isinusulong ngayon ng Sangguniang Bayan ang paglalagay ng Closed Circuit Television o CCTV sa mga malalaking establisiemento sa bayan ng Kabacan.

Ito matapos ang mga nangyayaring kriminalidad sa bayan kagaya ng pambobomba, pamamaslang, nakawan ng motorsiklo at ilan pang mga kahalintulad na krimen.

(Update) Lalaki na nalunod sa Rio Grande de Mindanao, natagpuan na!

(Kabacan, North Cotabato/ August 1, 2013) ---Bangkay na ng matagpuan ang 22-anyos na lalaki makaraang malunod sa ilog ng Rio Grande de Mindanao kamakalawa.

Sa report ni Municipal Disaster Risk Reduction Officer David Don Saure nakita ng mga residente sa Kulanguan Bridge na nasa Bahagi ng Tunggol, Datu Montawal, Maguindanao si Tata Malugaya alas 6:00 kagabi.