Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Estudyante ng NDMC sa Midsayap, North Cotabato; dinukot

(Midsayap, North Cotabato/ August 11, 2013) ---Dinukot ng apat na armadong kalalakihan ang isang 19-anyos na binata na estudyante ng Notre Dame of Midsayap sa bayan ng Midsayap, North Cotabato dakong alas 6:40 kagabi.

Kinilala ng Midsayap PNP ang biktimang si Mark Anthony Baya, 19 tubong Brgy. Tumbras ng nabanggit na bayan.

Batay sa report dinala ng kanyang mga abductors si Baya sa isang liblib na brgy sa Northern Kabuntalan, Maguindanao.

Wala pa namang ipinalalabas na ransom demand ang mga suspek sa pagdukot.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy pa ang rescue operation ng Midsayap PNP sa pamumuno ni Supt Reinante Delos Santos at 40th Infantry Battalion Philippine Army.

Sa ginawang hot pursuit operation ng mga otoridad kagabi, narekober nila ang get away car ng mga kidnapper na Mistsubishi Lancer GLX kulay gray na walang plaka na iniwan sa kilid ng ilog sa Brgy Tumbras Midsayap North Cotabato at inilipat ang biktima sa isang bangkang de motor. 

Sa pinakahuling ulat, nakawala na umano ang nasabing kidnap victim mula sa kamay ng kanyang mga abductors, pero wala pang opisyal na pronouncement dito ngayon ang mga otoridad. (Rhoderick Beñez)




0 comments:

Mag-post ng isang Komento