Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Cattle rustler, tiklo ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ August 5, 2013) ---Kalabuso at naghihimas ng malamig na rehas bakal ang isang cattle rustler makaraang mahuli ng mga otoridad sa Brgy. Aringay, Kabacan, Cotabato ala 1:30 kahapon ng hapon.

Kinilala ni PCInps. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang nahuli na si Rahid Dimago Andug, nasa tamang edad, binata at residente ng nabanggit na lugar.

Batay sa report, kinakalagan umano ng suspek ang baka na pag-mamay-ari ni Demy Miguel Corpuz ng brgy. Malanduage.

Nang makitang nawala na ang nasabing hayop agad na inireport ito ng biktima sa kanilang barangay opisyal at sa tulong ng mga residente at ng elemento ng Kabacan PNP ay nahuli ang suspek at naibalik sa may ari ang ninakaw na baka.

Nasa kustodiya ngayon ng Kabacan PNP ang suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento