Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

30-anyos na lalaki, sugatan sa Pamamaril sa kidapawan city

(Kidapawan City/ September 3, 2013) ---Patuloy ngayong pinaghahanap ang suspek na responsable sa pamamaril sa isang tatlumpung taong gulang na lalaki sa isang lodging house sa Kidapawan City kamakalawa.

Ayon sa report, kinilala ang biktima na si Miguelito Agustin Alimahan Jr., residente ng bayan ng Makilala, Cotabato.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulisya dumating ang lalaki na may kasamang babae sa lodging house at umalis, sa pag-aakala ni Alimahan na hindi na ito babalik ay pumayag itong mag-check ang isang lalaki.

Laking gulat na lamang ni Alimahan na bumalik ang lalaki kinahapunan dahilan kung bakit ito nagwala ng malaman na may nag-uukupa na ng kanilang silid.

Humantong sa pamamaril ng suspek ang kanilang pagtatalo na ikinasugat ni Alimahan.

Mabilis namang tumakas ang suspek na patuloy pang pinaghahanap matapos ang insedente. (Rhoderick Beñez)








0 comments:

Mag-post ng isang Komento