Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

1 Patay, 7 sugatan sa road mishap sa Maguindanao

(North Upi, Maguindanao/ September 4, 2013) --- Napaaga ang salubong ni kamatayan sa isang 34-anyos na lalaki makaraang mapatay sa salpukan ng Van at motorsiklo sa North Upi, Maguindanao, kahapon.

Kinilala ang nasawi na si Roel Castro, 34, residente ng Barangay Azucena, North Upi.


Ayon sa report, patay on the spot ang biktima makaraang tumilapon ito mula sa minamanehong motorsiklo sa semento ilang metro ang layo mula sa pinangyarihan ng insedente.

Habang pitong mga pasahero ng Van ang naiulat na sugatan sa nasabing insedente.

Sa inisyal na pagsisiyasat, isang kulay berde na Toyota Hi-Ace van (WII 414) na minamaneho ni Melvin Laude Betuldez ay nag- over speeding habang tinatahak ang kahabaan ng North Upi road.

Sumalpok umano ang van sa kulay itim na Honda motorcycle na minamaneho ni Castro kaya tumilapon ito sa isang bangin.

Nawalan umano ng control ang driver ng van kaya sumalpok ito sa motorsiklo.

Kinilala naman ang mga sugatan na sina: Jun-Jun Durande, 20; Bai Puti Lauban Latip, 50; Faisa Guiabar, 24; Intan Dapbil, 70; Abutazil Tato, 80; at Evelyn Remasin, 29 na mabilis na isinugod sa Datu Blah Sinsuat Hospital sa Datu Blah, Maguindanao.  (Rhoderick Beñez)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento