Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagbaril sa Mayoralty Candidate sa Kabacan; walang katotohanan ayon kay Mayor-elect Herlo Guzman, Jr.


(Kabacan, North Cotabato/ May 23, 2013) ---Pinasinungalingan ni Mayor-elect Herlo Guzman Jr., ang mga kumakalat na mga bali-balitang, binaril umano siya.

Mismong ang opisyal ang tumawag sa himpilan ng DXVL na sinabing siya ay buhay.

Aniya, paanu umano mangyari ang nasabing insedente dahil sa katunayan ay wala ang opisyal sa Kabacan.

Sinabi nitong wag umano dapat basta-basta maniwala ang publiko sa mga hindi totoong mga balita na para sa opisyal na makakasira lamang sa peace and order situation ng Kabacan.

Tapos na rin umano ang pamumulitika at dapat na rin umanong tuldukan na ang mga nakakasira sa imahe ng Kabacan. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento