Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

7 taong gulang na bata, nalunod sa Pulangi river sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ May 22, 2013) ---Patuloy pa ngayong pinaghahanap ng kanyang kamag-anak ang pitong taong gulang na bata makaraang malunod ito noong Lunes ng tanghali sa may Pulangi river na nasa Sitio Lumayong, Kayaga, Kabacan, Cotabato.

Kinilala ni Javar Abdullah Aban, 28, ang biktimang bata na si Jun-jun Mangandili, tubong Lumayong.
Batay sa report, kasama ng biktima ang kanyang kuya na kinilalang si Jun Jovert ng naliligo ang mga ito sa nasabing ilog.

Dahil sa lakas na agos ng tubig kahapon natangay ang pitong taong gulang na bata habang wala namang nagawa ang kuya nito ng nakitang nalulunod na ang nakababatang kapatid, ito ayon kay Aban na nagsalaysay ng pangyayari sa DXVL News ngayong umaga.

Hanggang kahapon ng hapon ay wala pang report na nakita na ang bata.

Posibleng tinangay ang bata papuntang Rio Grande de Mindanao sa bahagi ng Tunggol, Datu Montawal, Maguindanao.

Kaugnay nito nananawagan ang kamag-anak ng biktima na kung sinuman po ang nakakita ng nasabing bata na nasa edad 6-hanggang pitong taong gulang makipag-ugnayan sa 0906-8960-391. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento