Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bata patay makaraang mabangga ng Truck sa sa Matalam, North Cotabato


(Matalam, North Cotabato/ May 8, 2013) ---Patay ang isang 6-anyos na bata makaraang mabangga ng Isuzu Truck sa National Highway, partikular sa harap ng Baldonado ricemill, Central Malamote, Matalam, North Cotabato alas 3:15 ngayong hapon lamang.

Ayon sa report ng Matalam PNP galing umano ng Brgy. Dalipe, Mlang ang nasabing truck na may plate number JDM 987 ng pagdating sa Brgy. Santol ay aksidenteng mabangga nito ang nasabing bata.

Patay doon din ang nasabing bata na kinilala ni SP01 Froilan Gravidez na si Remuel Casagan residente ng Brgy. Malamote ng nabanggit na bayan.

Samantala, boluntaryo namang sumuko ang driver ng nasabing sasakyan na si Charlie Redoblado Duka, 47 taonggulang at residente ng Brgy. Dalipe.

Sa ngayon naman kustodiya naman ng Matalam PNP ang nasabing suspek habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento