Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

High school student, itinuturong suspek sa pagbaril patay sa 26-anyos na guro sa Mlang, North Cot


(M’lang, North Cotabato/ January 22, 2013) ---Isang high school student ang itinuturong suspek sa pumaslang sa isang 26-anyos na guro ng M’lang, North Cotabato.

Ito ayon kay Mlang Mayor Joselito Pinol kungsaan sa murang edad ay humahawak na umano ng baril ang nasabing suspek kahit sa loob ng kanilang eskwelahan.

Sinabi ng Alkalde na ang bumaril sa biktimang si Shernan Mark de Eyoy Duerme ay kapwa fourth year high school students ng M’lang National High School-Annex sa Barangay Lepaga, M’lang, na ayon sa report ay nagalit umano ng pinalo ng biktima isang linggo na ang nakakaraan sa kanilang training sa Citizens’ Army Training (CAT).

Nabatid na si Duerme ay isang CAT commandant, sa kanilang paaralan.

Tumanggi naman pangalanan ng opisyal ang mga suspek ito dahil mga minor de edad pa ang mga ito.

Ayon sa report, binalaan umano ni Duerme angmga salarin dahil sa pagdadala ng baril sa loob ng campus.

Sa ngayon at large pa rin ang mga suspek at subject for police manhunt.

Samantala, kasong murder naman ang isasampang kaso ng mga otoridad kontraa sa mga salarin.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento