Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Civil Service Commission ng North Cotabato; tumatanggap na ng aplikante para sa mga kukuha ng Career Service Exam


(Amas, Kidapawan City/ January 23, 2013) ---Umpisa ng tumatanggap ngayon ang Civil Service Commission field Office na nasa Provincial Capitol Compound, Amas, Kidapawan City ng mga aplikanteng kukuha ng Career Service Professional at subproffessional Examination.

Sa isang kalatas na pinadala ni Director II Glenda Foronda Lasaga sa DXVL Radyo ng Bayan na ang mga application forms ay maari ng makuha sa kanilang tanggapan.

Kabilang sa mga requirements ay ang apat na piraso ng passport size picture, isang valid id at ang photocopy nito at ang filing fee na P500.00.

Itinakda naman sa Pebrero a-28 ang deadline ng filing ng nasabing mga aplikasyon.
Gagawin ang eksaminasyon sa Abril 14, 2013 sa Kidapawan City.

Para sa karagdagang impormasyon maaring makipag-ugnayan sa telepono bilang 278-7028. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento