Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bahay pinasok, motorsiklo natangay sa Kabacan, North Cotabato



(Kabacan, North Cotabato/ January 21, 2013) ---Pinasok ng di pa nakilalang salarin ang isang bahay sa Brgy. Aringay, Kabacan ala 1:00 ng madaling araw kahapon.

Ayon sa report ng Kabacan PNP, tinangay ng magnanakaw ang motorsiklo na pag-aari ng isang Bebelita Subagan, 34 anyos, isang magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.

Bukod sa nasabing kulay itim na XRM 125 na may plate number 5348 KD ay nilimas din ng mga ito ang Nokia Cellphone na nagkakahalaga ng abot sa higit sa tatlong libu.

Sa ngayon nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing nakawan.
Ito na ang ika-apat na kaso ng nakaw motorsiklo sa bayan batay sa report ng Kabacan PNP sa buwang ito lamang. (Debbie Peñiero)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento