Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kuya binaril ang kapatid sa Kabacan, Cotabato; patay!

(Kabacan, North Cotabato/ November 23, 2012) ---Dead On Arrival sa USM Hospital ang isang 16-anyos na binatilyo makaraang maaksidenteng mabaril ng kanyang sariling kuya sa Plang Village, Poblacion, Kabacan, cotabato alas 9:25 ng umaga kahapon.


Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Smith Sangkupan, 16-anyos, out of school youth at resident eng Sitio Agpa, Kayaga ng bayang ito.

Habang kinilala naman ang suspek na si Angelito Sangkupan ang mismong kuya ng biktima.

Batay sa inisyal na report nag away umano ang magkapatid at nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa aksidente nitong nabaril, ito batay sa kanilang nakakatandang kapatid na si Noa Sangkupan.

Mabilis namang isinigod ang biktima sa USM Hospital subalit ilang sandal lamang ay binawian na rin ito ng buhay matapos na magtamo ng tama ng bala sa kanang bahagi ng kanyang dibdib.

Nareokober sa pinangyarihan ng insedente ang bala ng garand rifle.

Habang nasa kustodiya na ngayon ng Kabacan PNP ang suspek na kapatid ng biktima at inihahanda na ang kasong isasampa kontra sa kanya.(Rhoderick Beñez)




0 comments:

Mag-post ng isang Komento