Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kabacan PNP, muling nagpaalala sa mga may ari ng motorsiklo na maging maingat at vigilante matapos mataas na kaso ng nakawan sa bayan


(Kabacan, North Cotabato/ November 20, 2012) ---Muling nagpaalala ang pamunuan ng Kabacan PNP sa mga may ari ng motorsiklo na maging maingat at vigilante dahil sa dumaraming kaso ng nakawan ng motorsiklo sa bayan.

Ang pinakahuli dito ay nangyari alas 12:40 ng tanghali noong Sabado kungsaan natangay ang isang kulay puting Honda XRM-125 motorcycle ni Mosa Yosup, 21-anyos, magsasaka, binata at resident eng Pagagawan, Maguindanao.

Natangay ang nasabing motorsiklo ng kanyang ipinarada ito sa isang boarding House sa Bonifacio St., Pobalcion, Kabacan.

Namataan umano ng ilang mga testigo ang nasabing motorsiklo na sinasakyan ng salarin papalayo papuntang bayan ng Pikit.

Ito na ang pampitong kaso ng nakaw-motorsiklo ang naitala sa data ng Kabacan PNP ngayong buwang ito lamang. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento