Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga Personnel ng Kabacan PNP, sumailalim sa Annual Regular Inspection


(Kabacan, North Cotabato/ November 21, 2012) ---Sumailalim kahapon sa Annual Regular Inspection ang mga personnel ng Kabacan PNP sa pangunguna ng National Police Commission o Napolcom Regional Office 12.

Ayon kay Napolcom Provincial Officer PI Arturo Caballero, ang nasabing taunang inspeksiyon ay bahagi ng accounting sa mga pulis kung ang mga ito ay sumususnod sa tuntunin, tamang pagbibihis ng uniporme at kung ang mga ito ay nasa tamang duty nila.

Wala namang nakikitang paglabag ang opisyal sa kanilang surprised visit kahapon sa mga tauhan ng Kabacan PNP maliban na lamang sa isang police personnel na nasa court duty sa Midsayap.

Maliban sa human resorces, isinailalim din sa nasabing aacounting ang mga baril ng pulisya at iba pa. (Rhoderick Beñez)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento