Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

3 katao, arestado sa raid ng Midsayap PNP

(Midsayap, North Cotabato/ November 20, 2012) ---Arestado sa isinagawang raid ng Midsayap PNP ang tatlo katao dahil sa paglabag nito sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002 sa bayan ng Midsayap.


Nanguna sa nasabing search raid sina Supt. Joseph Semillano, hepe ng Midsayap PNP at PSI Henry Narciso, intelligence Operative at natiklo ang mga suspek na sina Nanimbong Panayaman alias Ilang Panayaman, 30, binata residente ng Sitio Dampa, Poblacion 7, Midsayap, North Cotabato.

Habang kinilala naman ang isa pang kasama nito na si Noraipa Abidin Guiamalon, 33-anyos at Norhata Kato Sandalan, 17, walang asawa at kapwa residente ng nabanggit na lugar.

Ang Search warrant on illegal drugs ay ipinalabas ni Hon. Judge George Jabido, RTC Judge Branch 18, Midsyap na may search warrant no. 12-006.

Nakuha mula sa posisyon ng mga suspek ang 14 na sachet ng shabu na mahigit kumulang sa 0.03 grams ang kada isa, ilang mga aluminum foil, isang gunting at cash na nagkakahalaga ng P4,580.00.

Sa ngayon inihahanda na ng Midsyap PNP ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga suspek. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento