Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Tourism officer ng Kidapawan City, ihahatid na sa kanyang huling hantungan ngayong araw


(Kidapawan City/September 12, 2012) ---Ihahatid na sa kanyang huling hantungan ang binaril at napatay na Tourism Officer ng Kidapawan na si Marie Fe Geronga-Pame sa Cotabato Memorial Park, mamayang alas otso ng umaga.
       
Sinabi ni City Information Officer Psalmer Bernalte, kasama ang buong LGU Kidapawan sa paghatid sa pinaslang na opisyal at damayan ang mga naulila nito.

       
Kahapon, bandang alas kwatro ng hapon ay inilipat ang mga labi ni Pame mula Collado Funeral Homes patungo sa lobby ng City Hall para sa public viewing.
       
Samantala, hustisya pa rin ang sigaw ng mga kaanak ni Pame.
       
Hiling nila ang agarang paghuli sa mastermind sa krimen upang mapanagot ito sa batas.
       
Matatandaang pinaslang si Pame sa mismong tahanan nito ng isa sa mga lalaking sakay ng motorsiklo sa Sandawa Homes noong September 4.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento