Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Suspected drug courier; huli ng Midsayap PNP


(Midsayap, North Cotabato/September 10, 2012) ---Kulungan at naghihimas ng malamig na rehas bakal ang isang 32-anyos na suspected drug courier makaraang mahuli sa Poblacion 3, Midsayap, North Cotabato alas 5:50 ng hapon nitong Biyernes.

Kinilala ni Supt. Joseph Semillano, OIC Chief of Police ng Midsayap PNP ang suspek na si Masukat Pakil, 32, may asawa at residente ng nabanggit na lugar.

Nakuha mula sa kustodiya at posisyon ng suspek ang P500 piso bill na marked money; 1 sachet suspected shabu, 6 na piraso ng tuyong dahon ng Marijuana na nakalagay sa loob ng fortune cigarette at isang piraso ng kulay pulang lighter.

Ang suspek ay nahuli sa pamamagitan ng buybust operation ng pinagsanib na pwersa ng mga elemento ng Midsayap at ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA-12.

Kakaharapin ng suspek ang kasong paglabag sa RA 9165 o comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Rhoderick Beñez) 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento