Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

21st Philippine Statistic Quiz, USM level; isinagawa


(Kabacan, North Cotabato/September 10, 2012) ---Nakuha ng College of Veterinary Medicine sa katauhan ni Camilo Moncada ang kampeonato sa katatapos na 21st Philippine statistics Quiz, USM level na isinagawa sa CAS lobby ng kolehiyo nitong Biyernes.

Ayon kay University Mathematics Adviser Jonel Palubon, abot sa mahigit sa isang daang mga mag-aaral ng USM ang sumailalim sa elimination round na isinagawa nitong September 5, hanggang sa 20 na lang ang natira para sa final round.

Itinanghal naman na 1st place si Dei Serius Cabonegro habang 2nd place naman si Efren Reyes del Rosario kapwa accountancy students.

Sinabi ni Palubon na ang tatlo ay naghahanda na para sa provincial level na kompetisyon na isasagawa sa Amas, Kidapawan City.

Naging quiz master sa naturang patimpalak si Philip Lester Benjamin habang mga hurado naman sina Ms. Honey Vincent Valle at Daryl Catubig ng Mathematics and Statistics department. (Rhoderick Beñez)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento