Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Road opening ipinatupad sa Alamada at Libungan; Kalsada sa Pigcawayan, sementado na


(Midsayap, North Cotabato/September 8, 2012) ---Sementado na ang kalsada sa Barangay Poblacion 3, Pigcawayan sa Lalawigan ng North Cotabato. Ito ang nakasaad sa isinumiteng August 2012 status of project report ng Department of Public Works and Highways o DPWH Second Engineering District Office.

Matatandaang sinimulang gawin ang nasabing kalsada noong Mayo ng taong kasalukuyan. Abot sa P2 Milyon ang inilaang pondo para sa nabanggit na proyekto.

Ayon pa rin sa nasabing dokumento mula sa DPWH, binuksan na ang P2.5 Milyon Road Opening Project na nagdurugtong sa Barangay Kiloyao, Libungan at Barangay Pacao, Alamada. Sinimulan ang konstruksyon ng nabanggit na kalsada noong Abril.

Kapwa pinondohan ang mga natukoy na proyekto mula sa Priority Development Assistance Fund o PDAF ng opisina ni North Cotabato 1st District Cong. Jesus Sacdalan.(RRBautista)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento