Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Negosyante kritikal matapos pagbabarilin sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/June 7, 2012) ---Kritikal ngayon ang isang 47-anyos na negosyante makaraang pagbabarilin ng mga di pa nakilalang salarin sa may harap ng tindahan na nasa Jacinto St., Public Market, Poblacion, Kabacan, Cotabato dakong alas  11:44 kaninang umaga.


Kinilala ni Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Evelyn Diaz, 47-taong gulang, businesswoman at residente ng Mantawil St., Poblacion, ng nabanggit na bayan.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad, lumalabas na habang naka-upo ang biktima sa harap ng nasabing tindahan ay bigla na lamang nilapitan ng suspetsado at binaril sa ulo ang biktima gamit ang .45 na pistol batay sa empty slug na narekober sa crime scene.

Mabilis namang isinugod ang biktima sa pinakamalapit na bahay pagamutan para mabigyan ng medical na atensiyon.

Agad namang humarurot ang suspek sakay sa single motorcycle papalayo sa pamamagitan ng Ma. Clara St.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa motibo ng nasabing pamamaril. (Rhoderick Benez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento