Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kusinero ng Kabacan PNP; pinagbabaril patay!

(Kabacan, North Cotabato/June 8, 2012) ---Dead on Arrival sa Kabacan Medical Specialist ang kusinero ng Kabacan PNP makaraang pagbabarilin ng dalawang di pa nakilalang mga suspek sa Quirino St., Poblacion, Kabacan, Cotabato dakong alas 5:30 kaninang umaga.

Kinilala ni Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Rodolfo Layagan, Jr. 41 taong gulang at residente ng nabanggit na bayan.

Nagtamo ang biktima ng tama sa likkod na nagresulta ng agarang kamatayan nito.

Ini-establish pa ng mga otoridad kung anu ang motibo ng nasabing pamamaril.

Ito na ang ikalawang shooting incident na nangyari sa bayan ngayong linggong ito lamang, kahapon isang fish vendor rin na nakilalang si Evelyn Diaz ang pinagbabaril ng mga di pa nakilalang salarin sa loob ng Kabacan Public Market alas 11:45 ng umaga kahapon.

Sa dalawang shooting incident na nangyari blanko pa rin ang mga otoridad sa kung sino ang mga suspek. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento