Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 katao huli sa aktong nag-pa-pot session sa isang bahay sa Kabacan; timbog ng mga otoridad

(Kabacan, North Cotabato/June 4, 2012) ---Tiklo ng mga elemento ng Kabacan PNP ang dalawa katao makaraang mahuling naghihithit ng illegal na droga sa isang bahay na nasa Zamora St., at Quirino St., Poblacion, Kabacan, Cotabato nitong Biyernes.
Kinilala ng Kabacan PNP ang mga nahuli na sina Robert Ojanola Soquita, 39, may asawa residente ng Purok Nation, Poblacion, Kabacan at isang kasama nito sa nasabing pot session na si Dowa Clarion Bautista, 20, walang asawa at residente ng Purok Kapayapaan, ng nabanggit na bayan.


Narekober mula sa kanila ang anim napiraso ng crumpled aluminum foil na naglalaman ng shabu at isang maliit na kandila at disposable lighter na tinapon ng mga ito.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng Kabacan PNP at posibleng kakaharapin ng dalawa ang kasong paglabag sa RA 9165 o dangerous drugs act of 2002. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento