Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Isa pang bangkay natagpuan sa oil palm plantation ngayong umaga sa Brgy. Dagupan, Kabacan, Cotabato

(Kabacan, Cotabato/June 26, 2012) ----Isa na namang bangkay ang natagpuan ng mga residente ng Purok Namnama, Brgy Dagupan, Kabacan, Cotabato alas 10:00 kaninang umaga, di kalayuan sa lugar kungsaan natagpuan ang bangkay ni Tatugan Kadil kagabi.


Ayon kay PCI Tirso Pascual ng Kabacan PNP nakita ang bangkay malapit sa ilog ng nasabing brgy. partikular sa Pamplona oil palm plantation.

Kinilala ang biktima na si Oscar Baliwan, 27 at residente ng Purok Silahis, Brgy. Aringay ng bayang ito, ayon din sa kanyang mga kamag-anak na kumilala dito.

Sinabi ng pulisya na nagtamo din ng tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan si Baliwan na naging dahilan ng kamatayan nito.

Di pa matukoy ng otoridad kung anu ang motibo sa pamamaslang patay sa mga biktima.

Posible umanong sabay na pinagbabaril ang mga ito ng di pa nakikilalang mga salarin kungsaan si Baliwan ay nakagawa pang tumakbo pero niratrat pa rin hanggang sa mapuruhan gamit ang di matukoy na uri ng armas.

Hindi rin matukoy ng mga otoridad kung mismong sa oil palm plantation ni Dr. Pablito Pamplona ginawa ang krimen dahil walang may narekober sa slug ang mga pulisya.

Sa ngayon patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insedente. (Rhoderick Benez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento