Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

17-anyos na dalagita kinidnap sa Aleosan, North Cotabato

(Aleosan, North Cotabato/June 25, 2012) ---Isang 17-anyos na dalagita ang dinukot ng dalawang armadong lalaki sa Brgy. Pagangan 2 sa bayan ng Aleosan, North Cotabato alas 7:00 ng umaga kanina.

Kinilala sa inisyal na report ng otoridad ang biktima na si Angeline Ferenal, 17 at residente ng nabanggit na lugar kungsaan naglalakad umano si Ferenal papunta ng eskwelahan ng dukutin ng dalawang mga armadong kalalakihan at dinala sa bahagi ng Brgy. Lagundi, Pikit, Cotabato.

Agad namang, ikinasa ng 40IB, 6IB, Philippine Army kasama ang mga elemento ng Aleosan PNP ang hot pursuit operation.

Hindi pa batid kung magkano ang ramsom na hinihingi ng kanyang mga abductors. (Rhoderick Benez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento