Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Panibagong motorcycle theft; naitala ng Kabacan PNP; driver muntik ng mabaril

(Kabacan, North Cotabato/June 25, 2012) ---Tinangay ng tatlong mga armadong kalalakihan ang isang motorsiklo sa bahagi ng brgy. Dagupan, Kabacan, Cotabato alas 6:45 ng gabi nitong Sabado

.
Batay sa report ng Kabacan PNP minamaneho ni Emer-Ji Cosmiano, 18 residente ng nabanggit na lugar ang isang kulay itim na XRM na motorsiklo na may plate no. 6595-OJ kasama ang sakay nitong nakilalang si Dave Bornia ng parahin ng mga armadong suspek ang mga ito habang binabaybay ang Brgy. Dagupan road partikular sa Purok Chrislam.

Tumagging umanong ibigay ni Cosmiano ang minamaneho nitong motorsiklo dahilan kung bakit ito binaril ng suspek subalit di naman tinamaan makaraang mag malfunction ang baril na gamit ng suspek.

Mabilis namang tumakas ang biktima.

Narekober naman ng brgy chairman ng Dagupan ang mga bala ng .45 na pistol sa nangyaring tangkang pamamaril sa biktima.

Agad namang nagsagawa ng drag net operation ang kabacan PNP at ang pag-alerto sa ilan pang himpilan ng pulisya sa kalapit lugar ng Kabacan para sa posibleng ikadarakip ng mga suspek subali’t bigong mahuli ang mga salarin. (Rhoderick Benez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento