Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Driver na lolo sugatan sa nangyaring pananaksak sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/May 14, 2012) ---Sugatan ang isang lolo makaraang pagsasaksakin ng di pa nakilalang salarin sa Brgy. Osias, Kabacan, Cotabato alas 12:25 ng umaga nitong Sabado.


Kinilala ni SP01 Kenneth Garbin, police investigator ng Kabacan PNP ang biktima na si Jaime Aguilar Quisquirin, 69, driver at residente ng CFCST Duroloman, Magpet, Cotabato.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng opisyal lumalabas na galing umano ang biktima sa USM hospital matapos maghatid ng pasyente at pagdating sa National Highway partikular sa harap ng chicken namit isang pasahero ang sumakay sa kanya at nagpahatid sa Magsaysay St. sa nabanggit na brgy.

Pero pagdating sa nasabing lugar bigla umanong inilabas ng pasahero ang kanyang bladed weapon at walang pasabi at sinaksak ang driver.

Mabilis namang tumakas ang salarin sa di malamang direksiyon habang sa kabila ng sugat sa braso na natamo ni lolo ay naimaneho pa nito ang kanyang tricycle at dinala sa Kabacan Medical Specialist ang sarili upang malapatan ng karampatang lunas.

Sa ngayon, inaalam pa ang motibo, wala naman umanong nakaaway ang biktima o na-agrabyado dahilan kung bakit siya nagawan ng nasabing krimen. (Rhoderick Benez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento