Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Binatilyo sugatan matapos mabundol ang minamaneho nitong bisikleta sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/May 11, 2012) ---Sugatan ang isang Maynard Sabutan, 15-taong gulang, residente ng Brgy. Kilagasan, Kabacan, Cotabato makaraang mabundol ang minamaneho nitong bisekleta ng isang kulay pulang XRM motorcycle  kahapon.


Batay sa report ng Kabacan Traffic Division nangyari ang insedente sa may Thomas Claudio St., Purok Chrislam, Poblacion ng bayang ito.

Sangkot sa nasabing vehicular accident ang XRM na motorsiklo na minamaneho ni Jomar Dalandan, 26 kasama ang sakay nitong si Norfaida Guyo, 10, kapwa residente ng nabanggit na lugar.

Kapwa sugatan ang mga drivers ng nabanggit na sasakyan kasama ang sakay na pasahero ng nasabing motorsiklo na mabilis namang isinugod sa Kabacan Polymedic Hospital para malapatan ng karampatang lunas. (Rhoderick Benez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento