Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kawani ng DepEd Maguindanao pinagbabaril patay sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/april 9, 2012) ---Dead on Arrival sa ospital ang isang 52-anyos na ginang makaraang pagbabarilin sa mismong tinitirhan nitong boarding sa USM Avenue, Kabacan, Cotabato dakong ala 1:15 ngayong hapon.


Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Taya Sabal Las Marias, may asawa, kawani ng Department of Education Maguindanao at kasalukuyang nanunuluyan sa Cadi Boarding House ng nabanggit na lugar.

Batay sa report, pinasok umano ng mga salarin ang mismong tinitirhan ng biktima at pinagbabaril gamit ang .45 na pistol habang nasa labas si Marias.

Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Mabilis namang isinugod ang biktima sa pagamutan subalit ideneklara na itong dead on arrival ng mga attending physician.

Mabilis namang tumakas ang mga riding in tandem na salarin sakay sa kulay pulang isang Bajaj motorcycle papalayo sa di malamang direksiyon.

Sa nagayon patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa motibo ng nasabing pamamaslang. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento