Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 notorious drug couriers, tiklo ng mga otoridad sa Pikit, North Cotabato ; 1 pa at large

(Pikit, North Cotabato/April 9, 2012) ---Kamakailan lamang ay nahuli ng mga otoridad ang dalawang mga notorious drug couriers sa magkahiwalay na operasyon nila sa pamamagitan ng buybust at arrest warrant sa bayan ng Pikit, North Cotabato.


Kinilala ni PDEA Agent Michael Bryan Cruz ang mga suspetsado na sina Misuari Sapal, 36, residente ng Datu Piang ng nasabing bayan habang ang isa naman ay Gary Dawne Garcia residente rin ng nabanggit na lugar.

Si Garcia ay nahuli sa mismong bahay nito, kungsaan nakuha mula sa kanya ang 2pcs ng isang small heat plastic sachet na pinaniniwalaang shabu, 2 pcs P50.00 bill, 1 piraso ng foil at iba pang mga drug paraphernalia.


Samantala, si Sapal ay nahuli sa Matalam St., Poblacion ng nabanggit na bayan.

Narekober mula sa kanya ang gainagamit nitong motor nakulay itim na Honda Dream na may plate # MF 7947 na posibleng ginagamit nito sa pagdeliver ng ipinagbabawal na gamut, ayon kay Cruz.

Bukod dito, nakuha mula sa kanya ang isang plastic heat sealed sachet na pinaniniwalaang shabu at iba pang mga drug paraphernalia.

Nanguna sa nasabing operasyon ang Philippine Drug Enforcement Agency 12 kasama ang Pikit PNP sa pangunguna ni P/Insp. Elias Dandan, Regional Public Safety Battalion-2nd Maneuver Company na pinamumunuan ni P/Insp Peter Panalgan Jr., at mga elemento ng 7th IB sa pangunguna ni Lt. Col. Benjamin Hao. (Rhodz Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento