Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kalsada sa Makilala highway nirereklamo ng mga motorista, dahilan daw ng disgrasya sa daan

(Makilala, North Cotabato/April 26, 2012) ---Isinisisi ng ilang mga motorista ang butas-butas na kalsada sa highway ng Makilala dahilan kung bakit madalas nagaganap ang aksidente sa lugar.

Dahil sa butas ng kalsada sa highway ng Makilala, bumaliktad ang Lawin jeepney na minamaneho ni Rogelio Bernardo na may lulang 30 pasahero.

Ayon sa driver, iniwas niya sa mga butas ng kalsada ang minamanehong sasakyan nang ‘di namalayang nahulog na ito sa shouldering.

Tatlo sa mga pasahero ng jeep sugatan makaraang magpagulong-gulong ang jeep hanggang sa bumaligtad sa gitna ng kalsada. 

Ang butas-butas na kalsada sa Makilala ay matagal ng inirereklamo ng mga motorista at mga biyahedor. Hanggang sa ngayon, ‘di pa nabibigyan ito ng solusyon. (RB ng Bayan)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento