Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 katao nahuli ng mga otoridad sa magkahiwalay na operasyon kontra illegal gambling sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/April 25, 2012) ---Nanguna sa isinagawang operasyon kontra illegal gambling si SP01 Jason Tahum ang team leader ng Special Branch Team ng Police Regional Office 12 kungsaan ginalugad nila ang mga lugar na talamak ang operasyon ng illegal number games na mas kilala sa tawag na “last two” dito sa bayan ng Kabacan, kahapon.

Dakong alas 7:05 kahapon ng umaga, sa National Highway na nasa Brgy. Osias partikular sa stall na pag-mamay ari ni Aldong Laoagan, nakumpiska mula kay Maye Campollo ang iba’t-ibang mga last two paraphernalia’s na kabilang na dito ang: 2 stabs ng last two receipt, tally sheet, bet money na nagkakahalaga ng P430, gamit na Cellphone at ballpen.

Samantala, huli din nila ang isang Richard Baguhin, 26-anyos at residente ng Brgy. Katidtuan ng bayang ito kahapon ng umaga.

Nakumpiska mula kay Baguhin ang last two record book, tatlong piraso ng last two tally sheet, 2 stabs ng last two receipt at cash money na nagkakahalaga ng P600.00.

Kapwa inilagay naman ang dalawa sa kustodiya ng Kabacan PNP.
Naniniwala naman ang opisyal na talamak sa bayan ng Kabacan ang illegal game number na ito kung kaya’t magpapatuloy pa ang kanilang operasyon kontra illegal gambling.(Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento