Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Guwardiya ng Cotelco, patay sa pamamaril sa Kabacan, Cotabato; kagabi

(Kabacan, North Cotabato/April 23, 2012) ---Patay ang security guard ng Cotelco makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang suspetsado sa Mapanao St., Poblacion, Kabacan alas 7:50 kagabi.


Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Max Ganion, Cotalco Blue guard na nakabase sa Cotelco-Kabacan at residente ng Aringay ng nabanggit na bayan.

Batay sa report ng pulisya, nagtamo si Ganion ng iba’t-ibang tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan na naging dahilan ng agara nitong kamatayan.

Narekober sa pinangyarihan ng insedente ang anim na fired cartridges at apat na slug ng .45 na pistol.

Naganap ang insedente habang kasagsagan ng brown-out kagabi.

Agad namang nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga otoridad para sa posibleng pagkaka-aresto ng mga salarin.

Sa ngayon iniimbestigahan pa ng Kabacan PNP ang panibagong shooting incident habang inaalam ang motibo ng nasabing pamamaril. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento