Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Task Force Simone; binuo tugon para sa final resolution sa problema –ayon sa tagapagsalita ng MILF

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/March 13, 2012) ---Sinabi ngayong umaga ni Moro Islamic Liberation Front o MILF spokesperson Von Alhaq sa DXVL – Radyo ng Bayan na binuo nila ang Task Force Simone nitong nakaraang araw layunin upang mabigyan ng final resolusyon ang problema sa lugar upang mamuhay ng tahimik ang mga residente sa erya.

Kung matatandaan na noong 2010, naglalaban kasi ang grupo ng MILF at MNLF sa bahagi ng Simone at Nangaan dahil sa pinag-aawayang lupa sa lugar.


Giit pa ni Al Haq na noong panahon kasi ni former chairman ng Task force Ed Kabalu ay hanggang ceasefire lang ang naayos sa lugar dahilan kung bakit nais nitong ipagpatuloy ang peace process para magkaroon ng totoong kapayapaan sa lugar.

Sa ngayon sinabi ng opisyal na tinatrabaho na nila ang nasabing hakbang upang magkaroon ng final peace agreement ang dalawang nag-aaway na grupo upang walang ng gulo sa bahaging ito ng North Cotabato.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento