Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ipu-Ipo, nananalasa sa Kabacan, cotabato

(Kabacan, North Cotabato/March 15, 2012) ---Ilang mga portable na kubo-kubo na nasa compound ng University of Southern Mindanao (USM), isa sa pinakamalaking state-owned university sa buong Central Mindanao, ang nasira matapos manalasa ang malakas na ipu-ipo sa bayan ng Kabacan bandang alas-4:30 kahapon partikular sa USM transport.


Nasaksihan ng mga gwardiya ng USM ang pangyayari.

Maging sila nagulat sa pangyayari.
      
Sobrang malakas umano ang hangin at pagkatapos ay nakita na nila ang isang ipu-ipo na parang nilamon ang mga kubo-kubo ng eskwelahan.
Ang mga kubo-kubo ay ‘di naman kalakihan.

Nagsisilbi ito’ng silungan ng mga farm machineries ng USM.

Wala namang nasugatan sa naturang pangyayari, ayon sa report.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento