Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Isang 5-anyos na bata patay habang 1 pa sugatan sa nangyaring pamamaril sa bayan ng Pikit, North Cotabato

Written by: Rhoderick BeƱez

Dead on arrival sa Hospital ang isang limang taong gulang na bata habang sugatan naman ang isa pang kasama nito makaraang pagbabarilin ng mga di pa nakilalang mga salarin sa may Brgy. Batulawan, Pikit, North Cotabato dakong alas 7:40 kagabi.

Kinilala ng Pikit PNP ang minor de edad na namatay na si Amin Abdullah habang ang sugatan naman si Malaydan Sangkupan, 42 at may asawa kapwa residente ng nabanggit na lugar.
Ayon sa report, pinagbabaril umano ang mga ito ng mga di pa nakilalang mga salarin gamit ang M16 armalite rifle.

Mabilis namang isinugod ang mga ito sa Cruzado Medical Hospital para malapatan ng pangunang lunas subalit ideneklara namang dead on arrival ng mga attending physician ang bata.

Habang patuloy naming nagpapagaling sa ospital si Sangkupan.

Agad naming nagsagawa ng hot pursuit operation ang Pikit PNP kasama ang 7IB na pinangunahan ni Lt Peralta para sa ikadarakip ng suspek.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento