Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

33-anyos na Rape suspect arestado sa Magpet, North Cotabato

(Magpet, North Cotabato/March 16, 2012) ---Sa pamamagitan ng Oplan tugis, isang kampanya kontra sa mga wanted person, naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Team (CIDT) North Cotabato at ng Magpet PNP ang akusado sa rape na kinilalang si Rudy Betil, 33, ng Barangay Salab, Magpet, North Cotabato.

      
Ang order para arestuhin si Betil ay inisyu noong Nov 10, 2011 ni Judge Rogelio Naresma ng Regional Trial Court branch 23 sa ilalim ng Criminal Case Number 784-2011 at 785-2011.

Ayon sa report, biniktim umano nito ang mismo niya’ng pamangkin at ginahasa nang dalawang beses noong taong 2011.

Ang suspek ay nahuli sa mismo niyang bahay sa Barangay Salab sa bayan ng Magpet kungsaan ang pag-aresto ay pinangunahan nina Chief Inspector Elmer Guevarra ng CIDT-North Cotabato at mga operatiba na sina Inspector Edwin Lacostales at PO3 Sergio de Jose.


Sa ngayon nasa kustodiya ng CIDT-North Cotabato ang suspect habang hinihintay ang commitment order mula sa korte para mailipat ito sa Cotabato Provincial Rehabilitation Center sa Amas Complex, Kidapawan City.  


0 comments:

Mag-post ng isang Komento