Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Driver timbog matapos idinadawit sa isang insedente ng nakawan ng Calibration pump sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/March 15, 2012) ---Tiklo ng mga otoridad ang isang 25-anyos na tricycle driver makaraang masangkot sa isang insedente ng nakawan sa Brgy Osias, Kabacan, Cotabato kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang nasabing suspetsado na si Allan Plang Gani, isang tricycle driver at itinuturong responsable sa pag-nanakaw ng isang Kubuta machine na ginagamit bilang Calibration Pump sa isang shop na matatagpuan sa gilid ng national high way ng nabanggit na lugar.

Ayon sa report, maaga palang nitong Martes ay umaaligid na umano sa gilid ng shop ang nasabing tricycle bilang ginamit na get away vehicle sa erya na malapit sa shop.

Nang mapansin ng caretaker ng shop na nawawala na ang nasabing motorsiklo doon din kung bakit nawawala din calibration pump nito.

Duda ang may ari ng shop na ang mga tao na sakay ng tricycab ang tumangay sa nasabing gamit nila sa shop.

At sa tulong mga mga tao sa lugar at ni Kapitan Guzman ay naharangan nila sa National Highway sa bahagi ng Kayaga papatakas ang mga ito.

Pero nakadiskarel naman ang ilang mga kasamahan nito at ang driver lamang ang nahuli nila.
Sa presinto na nagpaliwanag ang suspek.

Sa ngayon naghihimas ng malamig na rehas bakal ang nasabing salarin.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento