Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Paghahanda sa Tribal Christian Gathering (TCG) 2012 niluluto na hinggil sa National Indigenous Month


Written by: Ferdinand Miano


Magkakaroon ng Tribal Christian Gathering (TCG) 2012 ngayong darating na Abril. Ang nasabing programa ay lalahukan ng mga Tribal Groups sa ibat-ibang dako ng kapuluan bilang selebrasyon ng National Indigenous Month.

Kaugnay nito, magsasagawa din ang mga tribal groups ditto sa North Cotabato particular na sa Sitio Sayaban Brgy. Ilomavis Kidapawan City ngayong darating na ika 18-22 ng Abril taong kasalukuyan.
Layon ng programa na mabigyang panahon ang selebrasyon ng mga katutubong Bagobo dito sa lalawigan at maibahagi ang Kulturang  Katutubo sa ibang Tribal Groups dito sa Pilipinas at maging saan mang dako ng Mundo.

Ang isasagawang pagtitipon ay may temang “pominog kit dohingon to ahung” isang salitang Bagobo na ang ibig sabihin ay Hear the sound of the Gong.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento