Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Dahil sa matinding problema sa buhay, isang 34-anyos na magsasaka nagpakamatay sa Carmen, North Cotabato

Written by: RB


(Carmen, North Cotabato/March 5, 2012) ---Sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili gamit ang .45 na pistol ay tinapos ng isang 34-anyos na magsasaka ang buhay nito kamakalawa.

Kinilala ng Carmen PNP sa pangunguna ni P/Insp Jordine Maribojo ang biktima na si Marshal Goncian Sanico, may asawa at residente ng Kibayao Carmen, Cotabato.

Batay sa report nasa loob umano ng bahay ni Mr. Roger Baraguir ang biktima ng bigla na lamang umanong binaril nito ang sarili na naging dahilan ng agara nitong kamatayan.

Nagtamo si Sanico ng sugat sa kanyang tenga at mabilis naman itong isinugod Provincial Hospital, Amas Kidapawan City upang malapatan ng lunas, ngunit huli na ang lahat ng dumating sila sa naturang pagamutan ay idiniklara na itong dead on arrival.

Narekober naman ng mga otoridad sa crime scene ang isang kalibre 45 na pistol at ilang mga basyo ng bala.

Posibleng matinding problema umano sa buhay ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang biktima. (with reports from Ferdinand Miano)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento